top of page
Search

ni Lucille Galon @Special Article | June 16, 2024



Showbiz Photo

Inamin ni Ivana Alawi na hindi niya binabasa ang mga comments na ibinabato sa kanya tulad ng “hubadera lang” at “puro retoke.”


Sey ni Ivana, “Dati talaga nagbabasa ako ng comments, pero ‘yung manager ko, tinuruan ako na don’t read, dedma na.


“Hindi mo naman talaga mapi-please lahat ng tao. That's something that you should always keep in mind na may mga taong magugustuhan ito, may mga taong hindi. Pero tuluy-tuloy lang ako. I don't read comments na. Kung hindi nila gusto, salamat pa rin. Kasi kung papa-control ako sa kanila, ano'ng maiisip kong content?” dagdag niya.


Well, ganito rin naman ang paraan ng ibang mga artista o mga content creators para makaiwas sa bashing. May mga tao rin naman kasing sumosobra na sa pagko-comment, hindi nila naiisip na tao rin ang mga artista na may damdamin.



Todo-post sa socmed… 

ARCI, FOR THE SHOW LANG DAW ANG PAGIGING ARMY RESERVIST


Arci Muñoz

Matapang na sinagot ni Arci Muñoz sa kanyang Instagram (IG) post ang isang netizen na kinuwestiyon ang kanyang pagiging reservist sa Philippine Air Force (PAF).


Nag-post si Arci ng photo na makikitang nagbibigay-pugay siya nitong Independence Day sa watawat ng Pilipinas at sa kasarinlan ng ating bansa.


Aniya sa post, “Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong Pilipinas! June 12, 2020, apat na taon na ang lumipas nang aking inumpisahan ang pisikal na pagsasanay bilang kauna-unahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumailalim sa #philippineairforce reservist BCMT- Basic Citizen Military Training.


“Simula rin noon ay tumaas ang bilang ng mga nagpatala bilang #reservist lalo na sa mga kababaihan.”


May isang netizen naman ang nag-comment na for the show lang daw ito ni Arci sa social media. 


Sey ng netizen, “Question is, will you tread to mud and bleed when the time comes to save our sovereignty. So easy to look tough on socmed (social media).”


Sinagot naman ni Arci ang pahayag na ito.


Aniya, “Question is, did you even try to make an effort in serving your country? Do you even know why reservists exist? And our duty? Being in the force doesn’t mean you need to go to war for me, it’s more of promoting peace. It’s so easy to talk sh*t and look tough on socmed, 'noh?”


Well, matatandaang maraming artista ang pumapasok sa army at pagiging reservist.


Anuman ang intensiyon nila, as long as makakapag-inspire sila sa mga kababayan natin na maglingkod sa bayan, winner na 'yun!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page