Sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan Dating Pangulong Emilio Aguinaldo tinukoy na Andres Bonifacio; PT
- Mylene Alfonso
- Jun 13, 2020
- 1 min read

Humingi ng paumanhin ang PTV sa nangyaring pagkakamali habang naka-live ang selebrasyon para sa ika-122 anibersaryo ng Independence Day.
Sa live airing, may ipinakitang larawan ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo pero ang pangalang nakasulat ay Andres Bonifacio.
Sa pahayag ng PTV, naitama na ang pagkakamali at ia-upload sa social media pages ng network ang corrected version.
"The said error was already corrected and the revised version will be uploaded in the network's social media pages,” ayon sa PTV.
“We sincerely apologize for this mistake. Rest assured that under the new PTV management, necessary training and skills development will be initiated to avoid similar inaccuracies."
Kaugnay nito, tiniyak din ng PTV na sa ilalim ng bagong management, magsasagawa ng training at skills development para maiwasan ang kahalintulad na insidente.





Comments