top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Posibleng matuloy ang karera ng MHP

  • Ding Taboy
  • Jun 13, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

May posibilidad na matuloy ang naudlot na karera sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite na pakarera ng Manila Horse Power, na natigil makaraan na i-lockdown ang bansa dahil sa pananalasa ng COVID-19.

Kamakailan, isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa Enhanced Community Quarantine para mapigilan ang pagkalat ng virus at pansamantalang isinara ang karerahan ng SLLP.

Sa pagkakatigil ng karera nahinto ang laban ng mga kalahok noong Marso 15.

Labindalawa ang karera na nakatakda sanang bitawan noong araw ng linggo.

Kasamang itinigil ang apat na malalaking pakarera ng Philracom at MHP at ngayon ay iniatras na at nakatakdang tumakbo sa Hulyo 19.

Maglalaban ang 2020 Philracom “YO Maiden Stakes Race at Road To Triple Crown”.

Kabilang dito ang 13th “Manila Horsepower Racing Festival” at MHP-Philracom Cup Race.

Kasama sa natigil ang 15 takbo ng MHP-Trophy race sa SLLP.

Pinagbigyan ang kahilingan ng Philracom na maibalik ang karerang nabanggit nang sumang-ayon ang Inter Agency Task Force (IATF) makaraang ilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at Region 4A.

Ganito rin ang kautusan na ipinalabas sa dalawang karerahan ng Santa Ana Park Naic, Cavite at Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) Malvar, Batangas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page