top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagiging botante, hindi kailangan para makakuha ng ayuda

  • Ryan B. Sison
  • Jun 13, 2020
  • 1 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Hindi dapat maging requirement sa pagkuha ng ayuda mula sa pamahalaan ang pagiging botante ngayong nahaharap ang buong mundo sa COVID-19 pandemic.

Ito ang paalala ang Commission on Elections (Comelec) dahil ang voter’s certification na iniisyu ng poll body ay patunay na rehistradong botante ang isang tao kung saan ilan sa maaaring paggamitan nito ay ang pagkuha ng pasaporte o kung gustong malaman ng lokal na pamahalaan kung ang botante ay residente sa kanilang lugar o hindi.

Gayundin, ginagamit lang ito para sa official purpose at iba pang legal na transaksiyon sa pamahalaan.

Binigyang-diin ng Comelec na hindi dapat maging requirement ang voter’s certification para makatanggap ng ayuda.

Nakakalungkot lang dahil totoong nangyayari ito. Tipong kung sino ang mga talagang nangangailangan, basta kung hindi ka botante, out ka sa ayuda.

Kunsabagay, ‘yung iba kasi riyan sinisiguro na mga pabor lang sa kanila ang tutulungan.

Paalala lang ho, pandemya ang kinakaharap natin ngayon at hindi eleksiyon!

Gayundin, hindi naman galing sa bulsa n’yo ang mga ipinamimigay n’yo kaya wala kayong karapatang mamili ng tutulungan. Basta nasa teritoryo o nasasakupan, tulungan agad, hindi na kailangang iberipika kung botante o hindi.

‘Wag sanang dedmahin ng mga lokal na opisyal ang paalalang ito. Isipin ang kapakanan ng mamamayan at isantabi ang ibang isyu dahil tulad ng paulit-ulit na paalala, hindi ito ang panahon para mamulitika.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page