Maaari pang mabawi ang alahas na hindi nabayaran sa takdang petsa kung makakaabot sa redemption peri
- Persida Acosta
- Jun 13, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Dahil sa kagipitan ay isinanla ko sa pawnshop ang alahas na ipinamana sa akin ng nanay ko. Ngayon, malapit na ang takdang petsa para bayaran ang aking utang, ngunit wala pa akong naipong pambayad. Dahil dito, nag-aalala akong hindi ko na mabawi ang aking alahas. Kapag ba hindi ako nakapagbayad ng utang sa takdang petsa nito ay hindi ko na mababawi ang alahas na naisangla ko?
- Lizzy
Dear Lizzy,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Presidential Decree (P. D.) No. 114 o Pawnshop Regulation Act. Nabanggit sa Section 13 ng nasabing batas na:
“Section 13. Redemption. The pawner who fails to pay his obligation on the date it falls due may, within ninety days from the date of maturity of the obligation, redeem the pawn by payment of the principal of the debt with interest: Provided, however, That for the purpose of computing interest due after maturity of the obligation, the basis shall be the sum of the principal of the obligation and interest earned at the time the obligation matured.” (Binigyang-diin)
Malinaw na nabanggit sa nasabing batas na kapag ang pawner o nagsangla ay hindi nakapagbayad sa takdang petsa nito ay maaari pa niyang mabawi ang kanyang isinangla sa loob ng 90 araw mula sa araw kung kailan due ito.
Ayon na rin sa nasabing batas, ang pawnshop ay may karapatang ibenta sa public auction ang inyong naisanlang alahas kung hindi n’yo pa rin mababayaran ang inyong utang sa itinakdang redemption period na 90 days (Section 14 at Section 15 ng PD No. 144).
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay naka base lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.




Comments