top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Hunyo 13, 2020 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 13, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 13, 2020 (Sabado): Hindi ka dapat mabuhay sa takot. Ang pinakamaganda para sa iyo ay ang mag-isip at kumilos habang nakatingin sa dulo ng iyong mga pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ihanda mo ang iyong sarili sa mas malaking pakikipagsapalaran. Hindi mo ito maiiwasan dahil malalaki ang magagandang kapalaran na nag-aabang sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mawawala ang mga pag-aalala mo para sa kinabukasan. Ang mga liwanag sa bagong umaga ay iyong masisilayan kung saan ang mga senyales ay sumisigla ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-violet.

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang ikot ng iyong mundo, kaya dapat ay mabilis ka rin, lalo na sa pagtukoy kung anong oportunidad ang bagay sa iyo. Ibig sabihin, hindi lahat ay puwede mong subukan. Masuwerteng kulay-peach.

CANCER (June 21-July 22) - Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan dahil kapag binalikan mo ang iyong nakaraan, makikita mong umasenso ka nang tuluyan dahil hindi nawala ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-red.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ibayong pag-iingat ang iyong kailangan at ang isa mo pang kailangan ay ang maging mapagmatyag. Sa likod nagmumula ang mga kaaway na lihim at hindi sa harapan. Masuwerteng kulay-brown.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibandera mo ang galing, husay at talino mo. Sa ganitong paraan, susuko sa iyo ang mga nag-aakalang ikaw ay mahina at walang mararating sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mong mabuti ang natutunan mo sa iyong kabiguan. Hawakan mo rin nang mahigpit ang iyong emosyon nang sa gayun ay hindi na maulit ang masakit na nakaraan. Masuwerteng kulay-green.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbibilang ka. Bilangin mo ang iyong mga pakinabang mula sa iyong gagawing pagsisikap. Ang bibilangin mo ay higit sa iyong inaasahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pigilan ang paghanga sa tingin mo ay mas magaling sa iyo. Tama lang at nararapat na kilalanin ang kakaibang katangian ng tao. Masuwerteng kulay-purple.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magluwag. Ang mga taong nagkamali sa iyo ay hindi pa dapat pagbigyan. Huwag ka ring magpapabaya na bantayan ang sarili mo sa mga mandaraya. Masuwerteng kulay-pink.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan, mahirap maunawaan ang kilos ng kapalaran. Tulad ngayon, makikitang sa biglang tingin ay wala kang karapatan, pero ang magagandang kapalaran ay magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit mahigpit pa rin ang mga patakaran, ikaw ay pinapayuhang pumunta sa malayo. Kapag nagawa mo ito, muling magbabalik ang mga suwerteng nawala sa iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-blue.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page