Pagbubukas ng klase sa mga lugar na wala o mababa ang kaso ng COVID-19, pag-isipang mabuti
- Imee R. Marcos
- Jun 12, 2020
- 2 min read
Medyo nagkakagulo at kani-kanyang opinyon kung kailan ba talaga dapat buksan ang klase gayung wala pang bakuna laban sa COVID-19.
‘Yung ibang magulang gusto nilang pumasok na sa August 24 ang kanilang mga anak sapagkat nasasayangan sa panahon. Pero ‘yung iba naman, ayaw talaga nilang papasukin ang kanilang mga junakis at humirit na next year na lang daw dahil sa pangambang mahawa ng COVID-19 ang kanilang mga anak.
Giit ng ilang grupo ng mga guro, payag naman silang mabuksan ang klase pero chika nila maraming dapat ikonsidera kung itutuloy ito para sa seguridad laban sa COVID-19 lalo pa’t bago lang daw sa kanila ang online setup. Hirap din kung magiging blended ito — ‘yung may online, may face-to-face paminsan-minsan o gagamit ng telebisyon at iba pa.
Una nang chumika si Pangulong Rodrigo Duterte na “No vaccine, no classes”, na bonggang inalmahan ng marami. Pero iniwasto naman ito ng kanyang mga opisyal at sinabing ang ibig lang sabihin ni Manong Digong ay “No classes kung face-to-face”. ‘Kagulo naman talaga!
Kaya heto nga, mga friendship, eh, rekomendasyon ko na gawing localized ang petsa ng pagbubukas ng klase at paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Dapat, ibatay sa sitwasyon at huwag igiit ‘yung “one side fits all” na sistema.
Sa mga lugar na walang kaso ng sakit, doon konsultahin ang school boards kung puwede ang face-to-face na klase habang sa mga lugar naman na masyadong delikado ang klase sa classroom dahil sa mataas na kaso ng virus tulad sa Quezon City, dito ipursige ang online classes, paghahatid sa mga estudyante ng learning materials at paggamit ng radyo at telebisyon.
Kailangan, mga beshy, malikhain at mapag-aralang mabuti ang paraan ng pagtuturo dahil hindi uubra sa buong bansa ang online classes lalo na kahit sa Metro Manila, eh, super-bagal ang internet, eh, paano pa sa mga probinsya? Juskoday!
Ayon nga sa kasabihan, “Kung gusto, may paraan, kung ayaw may dahilan”, pero ang susi rito, ipaubaya sa bawat LGU na tantiyahin ang sitwasyon ng kanilang nasasakupan. Ganu’n ‘yun! DepEd, sana ay ikonsidera n’yo ang hirit ko.





Comments