top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Hunyo 12, 2020 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 12, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 12, 2020 (Biyernes): Ikaw ay itinakdang mamuno. Hindi ka kabilang sa mga pangkaraniwan na tagasunod lang. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka gaanong mahihirapan na tahakin ang landas ng tagumpay. May mga hadlang at sagabal, pero hindi ito makaaapekto sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humingi ka ng opinyon sa alam mong higit na may kaalaman kaysa sa iyo. Hindi masama ang nagtatanong, ang masama ay ang nagkukunwaring marunong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-

black.

GEMINI (May 21-June 20) - Pabalik-balik naman ang mga pangyayari sa buhay ng bawat tao. Tulad ngayon, muling magbabalik ang mga araw kung kailan naglapitan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

CANCER (June 21-July 22) - Asikasuhin mo ang iyong kabuhayan. Huwag mong kaligtaan na ang tao ay nabubuhay para sa kanyang magandang kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ay may pangarap, pero hindi lahat ay makakamit ang pinangarap. Pero ikaw, ang mga pangarap mo ay mapasasaiyo kahit gaano pa ito karami. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa matagalang pagpaplano. Kumilos ka ayon sa simpleng gusto mo at hindi ka mabibigo, samantalang kalimutan mo na ang mga planong hindi mabuo. Masuwerteng kulay-brown.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mo lang ang mga mahihirap kausap. Bakit mo sila iintindihin gayung hindi sila makaunawa? Kung ano ang buhay mo, buhay mo ‘yun at wala silang pakialam. Masuwerteng kulay-white.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatakbo nang mabilis at walang kahirap-hirap ang iyong Gulong ng Kapalaran. Maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit hindi mo maunawaan ang mga pangyayari, ituloy mo lang ang iyong mga balak. Hindi kailangang malaman ng bawat tao kung ano ang layunin ng langit. Masuwerteng kulay-yellow.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Bakit mo babaguhin ang iyong sarili para sa kapritsuhan ng iba? Muli, kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon, makikita mo na ang mga araw ay mabilis na lumilipas at ang mga nagpabaya at hindi nagsisikap ay maiiwanan at magsisisi sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo dapat ipakita sa langit na ikaw ay seryoso. Kapag nakita kang nagpupursigi sa buhay, doble-doble ang iyong magiging kayamanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page