Araw ng Kalayaan ngayon, pero tila wala namang “kalayaan” ang mamamayan
- Ka Ambo
- Jun 12, 2020
- 2 min read
ARAW ng Kalayaan ngayon.
Pero, walang “kalayaan” ang mamamayan sa buong mundo!
◘◘◘
SA unang pagkakataon, higit sa mga nakaraang digmaan, nawalan ng kalayaan ang mamamayan.
Hindi maaaring lumabas ng bahay at maglakbay ang tao!
◘◘◘
ANG isyung ito—ay hindi lang nararanasan ng mga Pinoy, bagkus ay ng buong mundo.
Walang probisyon sa Konstitusyon na maaaring labagin ng estado o gobyerno ang Bill of Rights sa gitna ng pandemya.
Isipin mong, nawalan ng Kalayaan pananampalataya ang mga tao.
Isipin mong, hindi rin maaaring magbukas ng negosyo ang mga mamamahayag?
◘◘◘
SA ilang pagkakataon at ilang bansa, shoot-to-kill ang nararanasan ng mga tao na lumalabas ng bahay.
Bawal din ang magnegosyo!
◘◘◘
SA gitna ng pandemya, nawala ang laya sa pangangalakal.
Ibig sabihin, kahit ang tradisyunal na transaksiyon sa kapitalismo ay ipinagbawal.
Isinarado ang mga negosyo—bawal ang operasyon ng pabrika at bawal magtrabaho!
◘◘◘
LINGID sa kaalaman ng marami, ang pagkakaloob ng libreng pagkain at pagkakaloob ng livelihood assistance sa mamamayan ay sistema—hindi ng demokratikong institusyon.
Ito ang praktis sa sosyalistang pamahalaan!
◘◘◘
TINURUAN ang mamamayan na umasa sa pamahalaan.
Isinandal ang “buhay” ng mamamayan sa kanilang gobyerno!
◘◘◘
TOXIC o lason sa kaisipan ng mamamayan ang umasa sa pamahalaan.
Masama ang pangmatagalang epekto ito.
Isinisisi sa gobyerno ang kahirapan ng buhay paghihinagpis na nararanasan!
◘◘◘
SA gitna ng pandemya, hindi dapat sinasangkalan ang kalayaan ng mamamayan sa demokratikong gobyerno, dapat pinaiigting ito ay pinalalakas.
Kumbaga, imbes na ipatupad ang konsepto ng “’sosyalismo”, dapat mas ipatupad ang wagas na kalayaan ng mamamayan!
◘◘◘
DAHIL iginagapos ang mamamayan na kumilos at maghanap buhay—hindi sinasadya, magkaroon ng krisis sa ekonomiya.
Malulumpo ang takbo ng buhay.
Hindi ‘yan ang konsepto ng demokrasya!
◘◘◘
SA totoo lang, dapat protektado ng Konstitusyon ang kalayaan ng mamamayan na kumilos sa panahon ng pandemya.
Ito ay upang maiwasan ang krisis sa ekonomiya!
◘◘◘
DAPAT garantiyahan ng Konstitusyon ang malayang pagkilos ng mamamayan—sa iisang layunin—mabuhay sila nang maayos, malaya at masayan.
Kapag nananatiling malaya sa pagkilos ang mamamayan—hindi babagsak ang ekonomiya, hindi madidiskaril ang negosyo.
At pinakamahalaga—hindi kailangan maglustay ang gobyerno ng bilyun-bilyong ayuda sa milyun-milyong mamamayan!
◘◘◘
MALI ang ganyang konseptong ipinatupad sa buong mundo sa panahon ng pandemya.
Labag ‘yan sa esensiya, sustansiya at pilosopiya ng demokrasya.
Nilabag ng lahat ng gobyerno sa buon mundo ang pagiging “tao” ng mga “tao” sa nakaraang apat na buwan!
◘◘◘
LABAG din ‘yan sa inherent right ng mamamayan nang mabuhay nang malaya at magdesisyon nang tumpak para sa sarili niyang kaligtasan.
Sa panahon ng pandemya, alipin ang lahat ng mamamayan—ng sarili nilang gobyerno.
◘◘◘
MAAARING sa bandang huli, matutuklasan na ang “COVID-19”—ay hindi mapanganib na sakit.
Gayunman, pinarusahan ang buong populasyon bunga ng katangahan: Naglaho ang kalayaan ng bawat nilalang.
Kung gayon, ano’ng ating ipiinagdiriwang ngayon?




Comments