Aliw na aliw sa pagtatanim ng gulay, sign na dapat kumain nito sa totoong buhay para iwas-sakit
- Socrates Magnus
- Jun 12, 2020
- 1 min read
Salamin natin ang panaginip ni Rosalie na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Nagtatanim ako ng gulay sa amin, pero walang puwedeng taniman dito sa amin sa totoong buhay dahil maliit lang ang bahay namin at walang espasyo para sa pagtatamin. Petchay, patola kalabasa, ampalaya at iba pa ang mga itinatanim ko, Nasisiyahan ako, as in, libang na libang ako.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rosalie
Sa iyo Rosalie,
Sa mabilisang pagbibigay ng kahulugan ng mga panaginip, karaniwang sinusundan ay kung ano ang kailangan ng nanaginip, ‘yun ang kanyang mapapanaginipan.
Halimbawa, kapag napanaginipan na nagsasaya, ibig sabihin, kailangan ng nanaginip na magsaya at ganito rin kapag masasayang pangyayari ang nasa panaginip.
Ito ay kanyang mapapanaginipan dahil sa reyalidad, walang saya ang kanyang buhay. Kapag naman ang nanaginip ay umiiyak, ibig sabihin ay kailangan niyang umiyak. Kaya ito napapanaginipan ay dahil ang nanaginip ay nagkukunwaring matapang at nagtitigas-tigasan, pero ang totoo, siya ay umiiyak.
Sa ganitong katotohanan, kapag ang nanaginip ay wala pang karelasyon, sa panaginip, siya ay may minamahal o kaulayaw. Bakit? Dahil kailangan niya ng karelasyon.
Gayunman, dahil napanaginipan mo ang mga gulay, kailangan mong kumain nito. Muli, ito ay ang iyong kailangan dahil kapag hindi mo nasunod ang payo ng iyong panaginip, maaari kang dapuan ng karamdaman na mag-uugat sa hindi pagkain ng masusustansiyang gulay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
Comments