Mga DDS, “Engot” ang tingin sa dalawang Pinay Miss Universe, pero bilib na bilib kay Mocha, ngek!
- Pabs Hernandez III
- Jun 11, 2020
- 2 min read
MISS UNIVERSE 2018 CATRIONA GRAY, “TINARAYAN” SA SOCIAL MEDIA NI SEN. LACSON—Hindi nagustuhan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pakiki-join ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa #JunkTerrorBill kung saan kahit Filipino-Australian ang beauty queen ay nag-post sa social media ang senador na mistulang nagtataray na taga-Australia raw si Catriona at sa bansa raw nito ay mas matindi pa ang mga nilalaman ng Anti-Terror Bill.
Sa totoo lang, sablay ang pagkukumpara ni Sen. Lacson sa dalawang bansa kasi sa Australia ay nirerespeto ang freedom of speech, hindi hinuhuli ang mga nagra-rally, samantalang sa Pilipinas, magkasunod na inaresto ang anim na tsuper na nagprotesta sa Lungsod ng Caloocan sa kagustuhang makapamasada, gayundin ang pitong estudyante ng UP (University of the Philippines)-Cebu na nag-rally laban sa Anti-Terror Bill, bukod pa pati mga netizens na nagpo-post sa social media ng laban sa Pangulo ay dinadakma na rin, period!
◘◘◘
DALAWANG MISS U, SINABIHANG “ENGOT” NG MGA DDS PERO SOBRANG BILIB NAMAN KAY MOCHA—Hindi lang si Catriona ang nag-join sa #JunkTerrorBill, kundi pati ang kapwa niya beauty queen na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at sa galit ng mga DDS na pabor sa nasabing batas ay todo-bash sila ngayon at sinabihan pang “engot” ang dalawang Pinay beauties.
Ibang klase talaga ang mentalidad ng mga DDS, akalain mong sinasabihan nilang “engot” sina Catriona at Pia, tapos bilib na bilib sila kay Mocha Uson? Pwe!
◘◘◘
BUKAS AY ARAW NG KALAYAAN, TAPOS MAY KUMAKALAT NA “WELCOME TO CHINA” SA PAG-ASA ISLAND—Nang magtungo si Defense Sec. Delfin Lorenzana, kasama ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga miyembro ng media sa Pag-asa Island na sakop ng West Philippines Sea (WPS) ay nagulat sila nang may matanggap silang message sa kanilang mga cellphone na may katagang “Welcome to China”.
Naku, dapat magpadala ng diplomatic protest sa China ang Piipinas kasi hindi ito katanggap-tanggap dahil bukas ay selebrasyon na ng Araw ng Kalayaan ng bansa, tapos ang teritoryong ng Pilipinas ay tila inaangkin na ibang bansa. Buwisit!
◘◘◘
ILLEGAL NUMBERS GAMES NI “ADIONG” SA JURISDICTION NINA GOV. YNARES AT COL. ALBA—Nagkalat na raw sa ngayon ang mga kubrador ng iba’t ibang uri ng “illegal number games” ni “Adiong” sa Rizal province.
Pambihira, porke nasama sa general community quarantine (GCQ) ang Rizal, may gambling lord na agad nanraket sa jurisdiction nina Gov. Nini Ynares at PD Col. Renato Alba? Pwe!





Comments