Malawakang rally sa Araw ng Kalayaan… ‘Mañanita Party’, kasado na
- BRT
- Jun 11, 2020
- 1 min read

Kasabay ng paggunita ng ika-112 aniberasryo ng Araw ng Kalayaan sa Biyernes, Hunyo 12 ay nagkasa ng malawakang pagkilos ang iba’t ibang progresibong grupo.
Gayunman, sa halip na kilos-protesta ay tinawag na “Mañanita Party” ang gagawing mga pagkilos.
Sa abiso ng League of Filipino Students-UP Manila lahat ng lalahok ay inabisuhang magdala ng extra shirt at maraming tubig.
Lalahok din umano ang Movement Against Tyranny sa aktibidad.
Samantala, una nang nag-abiso ang Philippine National Police (PNP) na paiiralin ang maximum tolerance sa mga protesta sa selebrasyon ng Independence Day.
Pakikiusapan umano nila ang mga magpoprotesta na mapayapang mag-disperse pagkatapos ng sapat na panahon na ibibigay sa kanila.
Comments