top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ibabalik na ang karera sa Hulyo

  • Ding Taboy
  • Jun 11, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Magandang balita para sa bayang karerista maibabalik na ang karera sa Hulyo 19, araw ng Linggo matapos pagbigyan ang kahilingan ng Philippine Racing Commission,Inc. (PRCI) matapos ideklara ang Metro Manila at Region 4A sa ilalim ng Moderate General Community Quarantine (MGCQ)ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa sulat na tinanggap ni PRCI Chairman Andrew A. Sanchez, binigyan ng pahintulot ang tatlong karerahan na magbukas na.

Dahil dito naghahanda na ang Santa Ana Racing Club, Inc. ang tagapangasiwa nang karerahan sa Naic, Cavite at San Lazaro Racing Club sa Carmona, Cavite at Metro Manila Turf Club tagapangasiwa ng karera sa Batangas.

Sa pagpupulong na isinagawa ng IATF noong Hunyo 8, pinahintulutan nito ang kahilingan ng PRCI na ibalik ang karera na natigil noong Marso 15 dahil sa pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng pananalasa ng coronavirus.

Sinabi ni Dr. Kenneth G. Ronquillo, head secretariat ng IATF, ang kahilingan ni Sanchez ay may basbas sa chairperson ng task force, na sinang-ayunan naman ni Dr. Ronquillo.

Ang karera ay sinasabing isang malaking pinagkukunan ng tax ng gobyerno mula sa taya ng bayang karerista.

Malaki ang nawala sa kita ng gobyerno mula nang isara ito noong Marso hanggang Hunyo.

Maraming pagbabago ang magaganap sa karera at susundin ang lahat ng health protocol upang hindi magkahawaan ng COVID-19 ang mga naroon sapagkat naapektuhan din ang mga nagdaang karera ng tatlong buwan nang walang operasyon.

Ang karera gaya ng Mandaluyong Day, Triple Crown ay mga naka-programang karera ng buwan ng Marso hanggang Hunyo at sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo.

Paiiralin din ang Social Distancing sa mga sota, hinete at lalo na sa pag-eensayo ng kabayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page