Ayaw magbenta ng alak, pinatay
- V. Reyes
- Jun 11, 2020
- 1 min read

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang ginang makaraang magalit ang mga suspek na hindi nito pinagbentahan ng alak sa bayan ng Talisay, Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Evelyn Tamayo, 50, habang nakilala ang mga salarin na sina Jason Abella at isang alyas Tolindoy.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagalit ang dalawang suspek kay Tamayo nang tumanggi itong bentahan sila ng isang boteng alak.
Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagtanggi ng ginang na bentahan ang mga suspek na ngayon ay patuloy pang tinutugis.





Comments