top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rematch nina Fury at Wilder gaganapin sa Australia

  • Gerard Arce
  • Jun 10, 2020
  • 1 min read

Ipinahayag ni Top Rank boss Bob Arum na ang makasaysayang heavyweight World title bout sa pagitan nina World Boxing Council (WBC) champion Tyson Fury at Deontay Wilder ay dadalhin sa tinaguriang “Land Down Under” para sa inaabangang rematch

Inamin ni Arum na inalok sila ng malaking proposal upang ganapin sa Bankwest Stadium sa Sydney, Australia ang ikalawa sa tinitingnang trilogy para sa heavyweight match. "Our friends in Australia are talking about doing this fight, probably in Sydney. That’s a possibility,” pagbubunyag ni Arum sa panayam sa kanya ng Sky Sports.

Ang tinutukoy ni Arum na kaibigan niya sa Australia na D & L Events, na pinapatakbo ni Dean Lonergan ay ang grupong nagdala sa sa kontrobersyal na laban ni eight-division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao sa Brisbane katapat si home-grown star Jeff Horn noong 2017 sa Suncorp Stadium.

Nagagawa nang magpalabas ng mga boxing events sa U.S. ng Top Rank, ngunit sa mga bakanteng upuan lamang dahil sa mahigpit na pagbabawal pa sa mga protocols. Tila naman nakikitang mapupuno ng manonood ang title fight sakaling maitulak ito sa ibang petsa at lugar.

Nakatakda sanang ganapin ang rematch nina Fury at Wilder sa Hulyo, ngunit dahil sa pananalasa ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic ay napuwersang ipatigil ito. Sa inihaing proposal ni Lonergan, pinipuntirya nila ang December 26 na petsa para sa world title fight.

Sakali namang maging maayos na ang lagay sa Estados Unidos ay sinabi ni Arum na nais niyang ganapin sa bagong tayong Allegiant Stadium sa Las Vegas ang susunod na venue ng trilogy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page