top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagbangon ng industriya ng turismo, unti-unting gawin!

  • Nancy Binay
  • Jun 10, 2020
  • 2 min read

Malaking hamon ang recovery effort ng tourism industry. Ngunit kailangan itong tutukan dahil malaki ang ambag ng industriyang ito sa bansa.

Isa ang turismo sa mga industriyang matinding naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Dahil sa pandemic, P81. 05 bilyon lamang ang inbound tourism receipts mula January hanggang May 2020. 60.6 porsiyento ito na pagbagsak mula sa parehong period noong 2019.

Bumagsak din ng 62.21 porsiyento o 1.3 milyon ang international tourist arrivals mula January hanggang May.

☻☻☻

Noong 2018, turismo ang second-largest contributor sa gross domestic product ng bansa, sa 12.7%. Nasa 5.4 milyong Pinoy ang nabigyan ng trabaho dahil sa turismo o 13% ng kabuuang employment ng bansa.

Bagama’t pinayagan na ang muling pagbukas ng turismo sa mga lugar na nasa modified general community quarantine, marami sa mga lokal na pamahalaan ang nagpahayag ng agam-agam sa pagpapatuloy ng turismo.

Iginagalang natin ang pasya ng mga lokal na pamahalaan na ipagpaliban ang muling pagbubukas ng turismo.

Mas mainam na mailatag natin nang maayos ang mga kailangang health, sanitation at safety protocols para na rin mapanatag ang mga potential tourists na magiging ligtas sila sa pagtuklas nila sa kagandahan ng Pilipinas at kultura nito.

☻☻☻

Inanunsiyo na ng Department of Education (DepEd) na ipagpapaliban na ang face-to-face classes sa paaralan hangga’t wala pang vaccine para sa COVID-19.

Tunay na dapat top priority ang kalusugan ng mga bata.

Subalit, nais kong muling bigyang-diin ang paggamit ng malikhaing pamamaraan para masigurong mapupunan ang learning gaps lalo na sa mga batang walang access sa internet.

Kung kailangan ng dagdag-pondo, nakahanda ang Senado na makipagtulungan alang-alang sa kapakanan at de-kalidad na edukasyon ng kabataan.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page