top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mabuting puso, lucky charm ng wood Snake ngayong 2020

  • Maestro Honorio Ong
  • Jun 10, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Snake ngayong Year of the Metal Rat.

Ang Snake o Ahas ay nahahati sa limang klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Snake o Bakal na Ahas - silang mga isinilang noong 1914 at 2001

  • Water Snake o Tubig na Ahas - silang mga isinilang noong 1953 at 2013

  • Wood Snake o Kahoy na Ahas - silang mga isinilang noong 1965 at 2025

  • Fire Snake o Apoy na Ahas - silang mga isinilang noong 1917 at 1977

  • Earth Snake o Lupang Ahas - silang mga isinilang noong 1929 at 1989

Noong mga nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal at Water Snake at sa artikulong ito, dadako tayo sa ikatlong uri ng Ahas at ito ay ang Wood Snake o Kahoy na Ahas.

Ngayong 2020, dahil sa pagiging palakaibigan at may magnetismong personalidad, maraming tulong at ayuda na darating sa iyong buhay na ikaaangat ng iyong kabuhayan. Kusang tataas ang antas ng iyong kabuhayan at madaragdagan pa ang iyong ipon at kinikita.

Gayundin, hindi lang sa larangan ng salapi magtutuluy-tuloy ang suwerte ng Wood Snake, bagkus magiging mapalad din siya sa relasyon, pakikipagkaibigan, pakikisalamuha sa lipunan, trabaho, career at sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay dahil ang pagiging palakaibigan, mabuting puso at may karisma sa mga tao ay tila lucky charm na hahatak at hihigop ng buwenas sa Year of the ng Metal Rat.

Dahil likas na matalino, mautak at praktikal, magagawa rin ng Kahoy na Ahas na i-convert sa pagkakaperahan at personal na kapakinabangan ang lahat ng kanyang mga nalalaman, ganundin ang lahat ng oportunidad na darating. Kaya kahit may suliranin ang buong mundo sa Covid-19, may kakayahan siyang diskartehan ang nasabing pangyayari upang mapakinabangan niya at ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Kumbaga, dahil sa likas na inobasyon at pagiging mapamaraan at madiskarte, kahit na negatibo ang sitwasyon, nagagawa niya itong pagandahin at gawing positibo para sa kapakinabangan ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Likas na magiging mapalad at laging dadapuan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang Wood Snake hindi lamang ngayong 2020, bagkus, ang kanyang suwerte ay mararamdaman din nang lubusan hanggang sa 2021.

Isa lang ang dapat pag-ingatan ng Wood Snake, ang siya ay labis na magtiwala sa kanyang sarili dahil sa mga natatamasa at tinatamo niyang suwerte, maaaring ma-over confidence siya na magiging dahilan upang hindi niya pag-ingatan ang kanyang kalusugan.

Kapag ganito ang nangyari, may babala ng biglang pagkakasakit at kapag naganap ang bagay na ito, sayang ang marami pang suwerte at magagandang kapalarang ipagkakaloob sa kanya ng langit kung ito ay hindi niya mapakikinabangan dahil humina ang kanyang pangangatawan.

Kaya dapat ngayon pa lang, pag-ingatang mabuti ng Wood Snake ang kanyang kalusugan upang matamasa ang lahat ng suwerte at sarap ng buhay na ipagkakaloob sa kanya ng langit.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page