Ibinuking ni Bob Arum na pagtakbo ni Sen. Pacquiao sa pagka-pangulo, binatikos ng netizens!
- Pabs Hernandez III
- Jun 10, 2020
- 2 min read
SEN. PACQUIAO, NABATIKOS NANG KUMALAT ANG BALITA NA TATAKBO SIYANG PANGULO—Kay Sen. Manny Pacquiao nag-boomerang ang ibinulgar ni Top Rank owner Bob Arum na kakandidato itong pangulo sa 2022.
Pinuputakti ngayon ng batikos si Pacman kasi nasa krisis ang bansa, maraming nawalan ng trabaho at patuloy pang nananalasa ang COVID-19, tapos ang manager nito, ikinakampanya na agad ang kandidatura niya sa pagka-pangulo, buwisit!
◘◘◘
ANTI-TERROR BILL, IPINIPILIT SA GITNA NG KRISIS SA COVID-19—Sa kabila ng lumalakas na panawagang ibasura ang “Anti-Terror” Bill dahil sa pangambang “pagbintangang terorista” ang mga pumupuna sa mga maling polisiya ng gobyerno, ibinida ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III na nilagdaan na nila ni Speaker Cayetano ang panukalang ito at pinadala na sa Malacañang upang mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sa gayun ay maging ganap na batas.
Ibang klase talaga sina SP Sotto at Speaker Cayetano, marami na nga ang natatakot sa COVID-19, tila daragdagan pa nila ang pangamba ng mamamayan dahil ipinipilit nila ang pagsasabatas ng Anti-Terror Bill, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
BAKA MAY GUMAWA NG BATAS NA KUNG SINUMAN ANG HINDI MAKAPAG-RECITE NG “PANATANG MAKABAYAN”, HINDI NA PINOY—Para umano malaman ng sambayanan kung nasa puso talaga ni ABS-CBN emeritus Chairman Gabby Lopez ang pagiging Pinoy dahil US citizen ito ay pinag-recite ito ng “Panatang Makabayan” ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta sa hearing sa Kongreso na may kaugnayan sa prangkisa ng Kapamiya network.
Aba, mukhang kailangan na ulit kabisaduhin ng publiko ang “Panatang Makabayan” kasi baka gumawa ng panukalang-batas si Marcoleta na ang sinumang hindi makapagre-recite nito ay
hindi na ituturing na Pilipino, boom!
◘◘◘
DAPAT MAG-RESIGN NA SI GEN. SINAS PARA MATIGIL NA ANG PAMBABATIKOS SA KANYA NG PUBLIKO—Matapos sibakin ni NCRPO Director Gen. Debold Sinas ang limang pulis-San Juan na nag-escort kay Mayor Francis Zamora dahil sa paglabag sa health protocol ng Baguio City ay nabuhay na naman ang pambabatikos sa kanya ng publiko tungkol paglabag din nito sa batas kaugnay sa nangyaring mass gathering noong magdaos ito ng birthday party.
Sana, nang sibakin ni Gen. Sinas ang limang pulis-San Juan ay nag-resign na rin siya nang sa gayun ay matigil na pambabatikos sa kanya ng pubiko, period!





Comments