top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

GM So, semifinalist na ng int'l online Clutch Chess Champions

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jun 10, 2020
  • 1 min read

Lumapit sa kanyang pangalawang sunod na titulo si Grandmaster Wesley So nang ibasura nito si GM Maxime Vachier Lagrave ng France sa iskor na13.0 - 5.0 at makapasok sa semifinals ng online rapid chess tourney na binansagang Clutch Chess International 2020.

Pagkatapos ng katahimikan sa unang tatlong laro nina So at FIDE world no. 5 Lagrave (rating: 2778) na nauwi lang sa hatian ng puntos, nakasikwat ng panalo ang una sa pang-apat at pang-limang laro bago uli napunta sa tabla ang game 6.

Sa huling anim na laro, nakadagit pa ng dalawang panalo ang dating hari ng Philippine chess mula sa Cavite kontra sa isang panalo lang ng Frenchman kaya sa Pinoy na napunta ang serye.

Nakapagbulsa rin si So (rating: 2770) ng bonus na $8,000 dahil sa pagkakapanalo nito ng tatlo sa apat na clutch games.

May $265,000 cash pot ang naghihintay sa mga nasa podium sa torneong nilalahukan din ng mga mababagsik na chessers tulad nina world champion GM Magnus Carlsen (Norway) at ni GM Levin Aronian (Armenia).

Kamakailan ay hinirang na kampeon si So ng FIDE World Random Fischer Chess (kontra kay Carlsen noong Disyembre 2019) at ng US Clutch Chess Champions Showdown (Mayo, 2020) bukod pa sa pagiging runner-up sa Speed Chess Championships (Pebrero 2020).

Sa semis, inaasahang makakasagupa niya si GM Fabiano Caruana (pangalawa sa world rankings) dahil sa umaalagwa na ito kontra kay kapwa US Chess Federation stalwart GM Leinier Dominguez. Matatandaang si Caruana ang chessers na ginawang tuntungan ni So para maging US Clutch Chess champion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page