top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Coaches, bawal pa sa training camps; scrimmages at tune-ups, 'di pa ubra

  • VA
  • Jun 10, 2020
  • 1 min read

Wala munang coaches na papayagan sa pagbabalik-ensayo ng PBA teams sa sandaling bigyan na sila ng go signal na makapagdaos ng training sessions bilang paghahanda sa posibleng pagpapatuloy ng 2020 season.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, hindi naman kinakailangan na magpakita ang mga coaches sa gagawing mga ensayo base na rin sa istriktong health protocols na ipinangakong susundin ng liga sa sandaling pahintulutan na ang mga teams na makabalik sa training.

“Baka itong practices, wala pang mga coaches. Conditioning lang naman ito,” ani Marcial.

Nagsumite ng liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) na humihiling na makapag-ensayo na ang 12 koponan ng liga habang umiiral ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Base sa liham na isinumite ng PBA, ang mga PBA teams ay magdaraos ng ensayo na nakagrupo.

Bawat grupo ay binubuo ng apat na players, isang trainer at isang health officer upang matiyak na masusunod ang physical distancing.

Dahil walang mga coaches, ang gagawing ensayo ay para lamang sa pagpapakondisyon. Bawal muna ang mga tune-up games at scrimmages.

Kaugnay nito, nakasaad din sa mga bagong panuntunan ng liga na lahat ng coaches ay kinakailangan munang sumailalim sa "testing" bago sila magbalik sa pagpapa-ensayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page