top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Casimero vs. Inoue, itutuloy ang bakbakan sa Agosto?

  • MC
  • Jun 10, 2020
  • 1 min read

Haharapin sana ni bantamweight Japanese Naoya Inoue na isang WBA super champion at IBF champion na si WBO title holder Pinoy John Riel Casimero nitong summer subalit nabantilaw dahil na rin sa pananalasa ng pandemic.

Subalit kapag nagkaroon ng pagkakasundo ang magkabilang panig, ayon kay Manny Pacquiao promotions manager Sean Gibbons, "We are hoping to get it done in August. That is a realistic date that hopefully will work," aniya.

Naantala ang lahat ng bakbakan sa boksing nitong panahon ng pandemic mula noong Marso sa buong mundo , subalit may ilang gyms, promoters at commissions ang nakapagre-start na ng kani-kanilang sport.

Si Inoue na isang big star sa Japan boxing ay may hawak na ring record na 19-0 at may 16 KOs habang ang mas eksperyensadong si Casimero dating light flyweight at flyweight world champion ay aakyat sa ring na may 29-4 at 20 KOs.

Sa nagdaang taon, nakasaguoa ni dating world.champion Nonito.Donaire na hawak ang WBC light flyweight at WBO superflyweight world championship si Inoue, pero nadepensahan ang kanyang IBF strap at nagawang iangat ang WBA world bantamweight title sa super status. Nagwagi si Inoue sa UD matapos ang 2 rounds laban sa beteranong si Donaire na nagulpi nang husto ang mukha.

Sa kabilang banda, highly talented din si Casimero bilang dating WBO light flyweight, long-reigning IBF flyweight world title holder at hawak ngayon amg WBO world bantamweight title na nakuha niya noong Nobyembre sa bisa ng dalawang panalo sa interim champion.

Napagwagian ang mga titulo laban kay Zolani Tete sa England.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page