Maaari bang gamitin ang apelyido ng ama kahit hindi ito kinilala?
- Persida Acosta
- Jun 10, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Apelyido ng nanay ko ang aking ginagamit dahil hindi sila kasal ang tatay ko at iniwan na kami nito bago pa ako ipinanganak. Gayunman, gusto kong gamitin ang apelyido ng tatay ko, ngunit hindi raw ito maaari sabi ng nanay ko dahil hindi naman ako kinilala ng tatay ko. Maaari ko bang gamitin ang apelyido ng aking ama? – Astrid
Dear Astrid,
Ang inyong katanungan ay binigyang linaw sa Article 165 ng Family Code of the Philippines at Article 176 ng parehong batas, na inamiyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 9255 kung saan nakasaad na:
“Article 165. Children conceived and born outside a valid marriage are illegitimate, unless otherwise provided in this Code.”
Article 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by their father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father. Provided, the father has the right to institute an action before the regular courts to prove non-filiation during his lifetime. The legitime of each illegitimate child shall consist of one half of the legitime of a legitimate child.” (Binigyang-diin)
Ikaw ay itinuturing sa batas na illegitimate child dahil hindi kasal ang iyong mga magulang. Dahil dito, apelyido ng inyong ina ang dapat mong gamitin sapagkat hindi ka kinilala ng iyong ama sa iyong birth certificate dahil iniwan ka niya bago ka pa ipinanganak. Gayunman, maaari mong gamitin ang apelyido ng iyong ama kung kikilalanin ka niya bilang anak sa publikong dokumento o sa pribadong instrumento na kanyang sulat-kamay.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.




Comments