Empleyado, positibo sa COVID-19… Immigration office, isinara
- Madel Moratillo
- Jun 9, 2020
- 1 min read

Pansamantalang isinara simula kahapon, Hunyo 8, ang main office ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito ay matapos magpositibo sa covid-19 ang isa nilang empleyado.
Aniya, magsasagawa muna ng disinfection operation sa buong gusali at isa-sanitize lahat ng opisina.
Kaugnay nito, pinayuhan ang mga nakakuha ng slot sa pamamagitan ng online appointment system na ipagpaliban muna ang pagtungo sa BI ngayong araw. Ipapaalam na lang ang bagong schedule ng kanilang appointment.
Nilinaw naman nito na bukas ang kanilang BI satellite at extension offices sa Metro Manila ngayong araw.





Comments