top of page

Nakikita sa totoong buhay si crush ‘pag napapanaginipan

  • Socrates Magnus
  • Jun 8, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Mae Amor na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nagkaroon ako ng crush, tapos napapanaginipan ko siya. Ang ipinagtataka ko, sa tuwing napapanaginipan ko siya, nakikita ko siya kinabukasan.

Ang malupit pa, sa tuwing naiisip ko siya at sobrang kaba ko, maya-maya ay nakikita ko siya. Anywhere, basta mapanaginipan o maisip ko siya. Hanggang ngayon, crush ko pa rin siya.

Ano ang ibig sabihin nito? 2017 ko pa siya naging crush at hanggang ngayon, ganu’n pa rin ang nararamdaman ko sa kanya.

Naghihintay,

Mae Amor

Sa iyo Mae Amor,

Always true ang sinasabing “Love never ends”. Dahil dito, ang crush na pinagmulan ng love ay never ending din.

Marami ang magsasabing hindi sila naniniwala sa dalawang katotohanang nasabi, pero nang sila ay nag-asawa at hindi sinasadyang nakita ang kanilang crush, muling tumibok ang kanilang puso, as in, ang sabi ng puso ay “In love pa rin ako sa kanya.”

Pero mas maraming nakaranas na kahit sila ay may karelasyon at muling nagbalik ang pagtingin sa dating crush nila, aaminin nila na crush never ends, too!

Madalas pa na mismong matamis na salitang nasabi ay i-me-message o ipasasabi sa common friends nila at sa huli, sila ay magkakalapit. Ibig sabihin, may karelasyon o asawa, ang crush niya ay magiging bahagi ng kanyang love life.

Dahil dito, mas magandang ihanda mo ang iyong sarili sa nasabing puwedeng maganap sa buhay mo. Muli, ikaw at ang crush mo– anuman ang status n’yo ngayon– ay puwedeng maging magkarelasyon.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page