top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Martial Law sa Mindanao, sablay daw kaya pinagpipilitan ang “Anti-Terror” Bill, hmmm…

  • Pabs Hernandez III
  • Jun 8, 2020
  • 2 min read

MARTIAL LAW SA MINDANAO, SABLAY?—Matatandaang, nagdeklara si P-Duterte ng Martial Law noong May 23, 2017 sa Mindanao para puksain ang mga terorista at ang deklarasyong ito ay suportado ng Senado at Kamara.

Ayon sa Pangulo, hindi niya aalisin ang Batas-Militar hangga’t may natitirang terorista sa Mindanao at makalipas ang mahigit dalawang taon ay tinuldukan na ni P-Duterte ang Martial Law sa nasabing rehiyon.

Kaya ang tanong: Sablay ba ang Martial Law ng Duterte gov’t sa pagpuksa sa mga terorista sa Mindanao kaya ipina-urgent sa Kongreso ang “Anti-Terror” Bill? Boom!

◘◘◘

KORTE ANG DAPAT MAGDEDETERMINA KUNG SINO ANG MGA TERORISTA, HINDI ANG MGA TAO NI P-DUTERTE—Lahat naman ng law abiding citizens Pinoy, kahit ang iba pang lahi ay tutol sa terorismo at ang may gusto lang ng gawaing ito ay mga terorista.

Ang nakakabahala lamang sa nilalaman ng “Anti-Terror” Bill ay hindi ang korte, kundi ang mga taong itatalaga ng Pangulo sa Anti-Terrorism Council (ATC) ang magdedetermina kung ang isang tao o grupo ay terorista.

Baka ang mangyari riyan, lahat ng pupuna o babatikos sa mga maling polisiya ng gobyerno ay paratangan na mga terorista at ipadampot sa mga awtoridad, ‘katakot!

◘◘◘

MARAMI ANG NAGKA-VIRUS AT NAWALAN NG WORK, PERO “ANTI-TERROR” BILL ANG INAASIKASO NG GOV’T.—Sa latest data ng Department of Health (DOH), pumalo na sa mahigit 21K ang mga nagka-virus sa bansa, habang ayon naman sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), dahil sa krisis ay pumalo na sa 7.3 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho mula noong Abril 2020.

Ito ang dapag pagtuunan nang pansin ng gobyerno, paano masasawata ang paglaganap ng deadly virus at paano matutulungan ang milyun-milyong Pinoy na nawalan ng trabaho at hindi ang “Anti-Terror” Bill, period!

◘◘◘

KUNG BATAS NA ANG ANTI-TERROR BILL, BAKA INAKUSAHAN NG TERORISTA ANG INARESTONG 6 NA TSUPER AT 7 ESTUDYANTE—Sa panahong binabatikos ng iba’t ibang sektor ang urgent bill na “Anti-Terror” ni P-Duterte ay magkasunod na inaresto ng mga parak ang anim na tsuper na nagprotesta’t nananawagan sa pamahalaan na sila ay payagan nang mamasada at pitong estudyante ng University of the Philippines (UP)-Cebu na mapayapang nagpu-protesta laban sa nasabing batas.

Mabuti na lang, nang arestuhin sila ay hindi pa ito batas dahil kung hindi malamang ay inakusahan na sila ng gobyerno na mga terorista, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page