top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mag-iina sinita sa park, 7 pulis sa BGC, pagpapaliwanagin

  • V. Reyes
  • Jun 8, 2020
  • 2 min read

Ipinatatawag na ng pamunuan ng Taguig City Police ang mga pulis na nakasagutan umano ng isang ginang na may bitbit na anak at nag-eehersisyo sa isang parke sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ayon kay Colonel Celso Rodriguez, Taguig City Police Chief, aalamin mula sa sinasabing pitong pulis ang paliwanag ng mga ito kaugnay ng isinumbong ng isang Rebecca Van Ommen.

Batay sa salaysay ni Ommen, inilabas niya ang kanyang 3-taong gulang na anak na babae at sanggol na lalaki para maglakad-lakad sa Burgos Circle Park sa BGC na may layong 50-metro mula sa kanyang bahay.

Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas sila ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin simula nang iutos ng gobyerno ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ng ginang na nakasuot sila ng face masks at may sapat na distansiya mula sa mga tao ngunit, habang papalapit sa parke ay lumapit at pinaligiran umano sila ng mga nakaunipormeng babaeng pulis.

Ang isa aniya sa mga pulis ay galit na kumausap kay Ommen sa salitang Filipino ngunit nang hindi ito maunawaan ng ginang na isang Dutch citizen ay lalo umanong nagalit ang babaeng pulis. Sa huli, sinabi ni Ommen na sinigawan siya ng pulis.

“She said to me, ‘Go home! Children not allowed!’ I tried to explain that under Taguig’s guidelines, children are allowed outside for exercise. But the policewoman continued to shout at me. I kept hearing the words ‘arrest’ and ‘handcuffs’ in between Tagalog words,” ayon kay Ommen.

Ikinuwento pa ni Ommen na naging napaka-agresibo ng mga pulis at nang kunin ng isa sa mga ito ang posas ay nagsimulang umiyak ang anak na babae ng ginang.

“I knew that policemen here are aggressive, but I didn’t expect them to be this aggressive overseeing children outdoors. The policewomen kept saying, ‘We have the power, you must follow us!’ but I have always been law abiding. I follow the rules,” dagdag nito.

Halos ganito rin umano ang naging karanasan ng ibang ginang sa BGC na nagtangkang ilabas ang kanilang mga anak.

Sinabi naman ni Rodriguez na aalamin nila kung may matatawag na simple neglect of duty at kung may kabastusan o pagmamalabis ng pananalita ang ilang babaeng pulis na mula umano sa National Capital Region Police Office at nagsisilbing augmentation personnel ng Taguig City Police sa BGC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page