Horoscope | Hunyo 8, 2020 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Jun 8, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 8, 2020 (Lunes): Huwag mong katakutan ang mga hamon ng iyong kapalaran dahil ito ang nagsasabi na malalaking tagumpay ang nakalaan sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag magulo ang sitwasyon, manahimik ka lang. Noon pa man at kahit kailan, ito ang susi upang palagpasin ang mga suliraning wala naman talagang solusyon. Masuwerteng kulay-yellow.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga araw nang may positibong pananaw. Huwag mong takasan ang mga suliranin dahil ang pagtakas ay nagpapalala sa sitwasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
GEMINI (May 21-June 20) - Tanggapin mo ang katotohanan na bihira sa mga tao ang mabilis makaintindi. Ang totoo nga, ito ang problema ngayon sa mga nagbabantay sa kalsada. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.
CANCER (June 21-July 22) - Kumalma ka lang sa harap ng maiinit ang ulo at mahigpit manindigan. Sa huli, sila rin naman ay matatauhan at ang mga pagkakamali ay itutuwid nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtiwala ka sa malalapit sa iyong puso dahil ang totoo, mas kilala ka niya kaysa sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Makinig ka sa mga ipapayo nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naghahanda ang langit ng malalaking suwerte para sa iyo. Ito ay kung makikitang buo ang loob mo o may nerbiyos ka, pero hindi masyado. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pakinggan mo ang ibang tao. Minsan, mas tama sila at mapabubuti ka. Huwag mong tingnan ang ugali nila at ibig sabihin ng pakinggan ay salita ang iyong papansinin. Masuwerteng kulay-violet.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Unahin mo ang iyong sarili. Kapag inuna mo ang iba, mauunang gumanda ang buhay nila. Kaya kapag inuna mo ang sarili mo, ikaw muna ang magkakaroon ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-peach.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang abot-kamay mo na ang iyong pangarap. Ito ang tamang pagsunod sa sinasabing dapat ay positibo ang pananaw ng tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung nag-aalinlangan, huwag kang tumuloy. Mas magandang maantala ang gusto mong gawin kaysa ang kabiguan ay agad mong matikman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpapilit dahil hindi ngayon ang panahon ng pangungulit. Huwag mong kalilimutan na ang mapaghintay ay may magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Laging dalawa o higit sa isa ang nakalaan sa iyo. Kaya kapag sinuwerte ka, maghintay lang dahil may isa pa. Kapag naman nalungkot ka, ibig sabihin ay lungkot na lungkot ka. Masuwerteng kulay-green.
![endif]--![endif]--




Comments