Congw. Vilma, pinatutsadahan sa pag-yes sa Anti-Terror Bill… JANINE, TODO-PABIDA, LAGOT SA MGA VILMA
- Erlinda Rapadas
- Jun 8, 2020
- 1 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Hay, naku! Mukhang hindi palalampasin ng mga Vilmanians ang ginawang patutsada ni Janine Gutierrez kay Congresswoman Vilma Santos-Recto tungkol sa naging stand ng Star for All Seasons sa Anti-Terror Bill nang bumoto ito ng "yes" kahit may mga reservations pa raw siya.
Napaka-outspoken ni Janine at hindi natatakot na maglabas ng opinion sa mga napapanahong isyu sa lipunan. Tulad din siya nina Frankie Pangilinan at Saab Magalona na walang pakialam sa mga bashers basta mai-voice out lang ang kanilang personal na opinion sa mga kaganapan sa bansa.
May pagka-aktibista ang dating ng mga kabataang ito, pero karapatan naman nila na sabihin kung ano ang kanilang nararamdaman.
Well, marami naman ang nagtataka kung bakit napaka-open ni Janine sa pagko-comment sa aspetong pulitika? Wala naman sigurong grupo na anti-Duterte na nagdidikta kay Janine para gawin ang pagbanat kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa gobyerno?
Huwag naman sanang mamarkahang nega si Janine Gutierrez dahil sa kanyang malayang pagpapahayag ng saloobin.





Comments