Championship fight habol ni Kingad vs. Moraes sa ONE
- Gerard Arce
- Jun 8, 2020
- 2 min read

Kung muling mabibigyan ng pagkakataon, nais ni dating ONE Championship Flyweight World challenger na maipaghiganti ang tanging dalawang talo niya sa kanyang mixed-martial arts career – ito ay kina ONE 125-lbs titlist Adriano Moraes at ONE Grand Prix winner Demetrious Johnson.
Ang dalawang pagkabigong ito ay ang natatanging bahid sa 16-na laban ng Sadanga, Mountain Province-native; kung saan parehong importanteng pangyayari ang nakuhang pagkatalo ng Team Lakay fighter.
“I would love to rematch either of them, or fight the winner,” wika ng dating wushu champion sa isang website.
Nakatakdang magharap ang Brazilian na si Moraes at ang dating UFC flyweight champion na si Johnson, na lumikha ng 11-straight title defense sa UFC, para sa 125-lb title bout sa oras na ianunsyo ng ONE ang pagbabalik aksyon nito sakaling matapos na ang Covid-19 pandemic. May tsansa ang binansagang “The King” na makasabak muli sa titulo dahil hindi nalalayo ito na ikalawa sa ranking kasunod ni “Mighty Mouse.”
“All I want to do is to face the best, and these two guys are the best in the division. It would be an honor,” saad ni Kingad.
Patuloy na nagsisikap si Kingad na mapalakas pa ang kanyang tsansa para sa title match na hindi tumitigil sa pagsasanay kahit na mayroong pandemya.
“I’m taking things day by day. Obviously, it’s a tough situation for everyone. I’m making the best of it, training at home, staying conditioned as best as I can,” wika ni Kingad. “I want to be ready when it’s time to step back into the circle . . . Right now, I just have to continue training hard and winning, and I believe in my heart I’ll get another shot at the world title.”





Comments