2 miyembro ng BIFF, sumerender
- BRT
- Jun 7, 2020
- 1 min read
MAGUINDANAO — Dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Northern Kabuntalan.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang teroristang sumuko sa 34th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin ng mga terorista sa mga awtoridad ang mga dala nilang armas at bala.
Sinabi ng mga sumukong terorista, kaya sila nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan ay dahil nais na nilang magbagong-buhay.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong BIFF upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.





Comments