top of page
Search
  • Julie Bonifacio

Serye ni Coco, It's Showtime, bagong shows nina Juday at Angel, pasok… MGA PALABAS NG ABS-CBN, S

Nag-react ang mga netizens sa sinabi ni Janno Gibbs kay Ogie Alcasid na sa Facebook na lang napapanood ang asawa ni Regine Velasquez, habang ang una ay nasa TV pa rin.

Pabiro man, halatang may pangungutya raw ang tinuran ni Janno kay Ogie. Eh, kasi, off-the air ang ABS-CBN ngayon pero patuloy pa rin sa pagso-show si Ogie sa online.

At tiyak na matutuwa ang mga fans ni Ogie at misis niyang si Regine dahil balik-ASAP Natin 'To na sila this month.

Ipinost ni Regine sa kanyang Instagram account ang announcement from ABS-CBN na mapapanood na muli ang mga shows nila via cable and satellite TV.

Caption ni Regine, "Mapapanood ang Kapamilya Channel sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa."

Unti-unting hinanapan ng paraan ng ABS-CBN na maihatid ang mga programa sa higit pang nakararaming nagmamahal at nasasabik sa mga paborito nilang palabas mula sa ABS-CBN.

Kasama sa mga programang mapapanood sa Kapamilya Channel ang FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin. Ipagpapatuloy dito ang mga maaaksiyong pakikipagsapalaran ni Coco bilang si Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ipapalabas ang nakaraang sampung episodes bago ang bagong episodes.

Makakasama ring muli ng mga manonood ang mga sinundang teleseryeng Love Thy Woman at A Soldier’s Heart, pati na ang live na kulitan at musikahan sa It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado at sa ASAP Natin ‘To tuwing Linggo.

Hatid naman ng momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada ang masayang chikahan tuwing umaga sa Magandang Buhay, live mula Lunes hanggang Biyernes.

Magsisimula muli ang tagisan sa kantahan ng kabataang Pinoy sa new season ng The Voice Teens kasama ang superstar coaches na sina Apl.de.Ap, Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga.

Mapapanood din gabi-gabi ang TV Patrol para maghatid ng pinakahuling balita sa mga Pilipino. Araw-araw din ay maraming movies at classic TV shows na magbibigay ng libangan at inspirasyon.

Bukod sa mga programang tinangkilik at minahal ng mga Pinoy, may mga bagong programa rin sa Kapamilya Channel.

Tuwing Sabado, mapapanood si Judy Ann Santos-Agoncillo sa Paano Kita Mapasasalamatan at tuwing Linggo naman, makakasama si Angel Locsin sa Iba ‘Yan. Ang dalawang programang ito ay magsasalaysay ng mga kuwento at pinagdaraanan sa totoong buhay ng iba’t ibang tao.

At mula ngayong Hunyo 15, mapapanood na rin ang highest-rating cable Koreanovela na A World of Married Couple.

For sure, excited na ang mga loyal Kapamilya Network televiewers sa balitang 'to.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page