Rider sumemplang, dedbol
Baguio City—Namatay ang isang rider nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa BGH Flyover.
Ang biktima ay nakilalang si Arjai Kelvin Timpug, 31-anyos, nakatira sa Bgy. Lower QM.
Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Timbug sa pagmamaneho kaya sumemplang ang motorsiklo nito.
Nabatid na humampas ang ulo ng biktima sa sementadong kalsada at nagkaroon ng malalaking pinsala sa katawan.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments