top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Proseso sa pagbibigay at pagtanggap ng bahay mula sa kamag-anak

  • Persida Acosta
  • Jun 6, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Ako ay OFW na kasalukyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Dahil sa aking pagsisikap ay nakapagpundar ako ng dalawang bahay sa Metro Manila. Kailan lang ay nakapagtapos ang aking pamangkin sa high school at nais ng kapatid ko na mag-aral siya sa Manila. Isa sa aking dalawang bahay na naipundar ay malapit sa kanyang susunod na paaralan. Maaari ko bang ibigay ang bahay at ipangalan ito sa aking paboritong pamangkin? Maraming salamat. - Deo

Dear Deo,

Ang sagot sa inyong katanungan ay opo pero naayon dapat sa batas ang inyong gagawing donasyon. Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na iyong inilahad ay ang Article 725 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

“Article 725. Donation is an act of liberality whereby a person disposes gratuitously of a thing or right in favor of another, who accepts it.

By this definition, you as a donor voluntarily transfers ownership over a property to your intended recipient or donee who in turn accepts the donated property as a donee.

For immovable properties such as the land that you intend to donate to your favorite nephew, the law provides that:

“Article 749. In order that the donation of an immovable may be valid, it must be made in a public document, specifying therein the property donated and the value of the charges which the donee must satisfy.”

The acceptance may be made in the same deed of donation or in a separate public document, but it shall not take effect unless it is done during the lifetime of the donor.

If the acceptance is made in a separate instrument, the donor shall be notified thereof in an authentic form, and this step shall be noted in both instruments.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, para maging legal ang iyong donasyon, ito ay dapat nakasaad sa “public document” o sa kasulatan na notaryado ng notary public at naglalaman ng impormasyon ng bahay na iyong ibibigay kabilang na ang mga kondisyon, kung mayroon man. Kinakailangan din ng iyong pamangkin na siyang pagbibigyan ng lupa na isaad sa hiwalay o parehong dokumento na kanyang tinatanggap ang donasyon na iyong ibibigay. Ang pagtanggap ng iyong pamangkin o donee ay kailangang magawa habang ikaw ay nabubuhay.

Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan. Tandaan na ang aming opinyon dito ay nakabatay lamang sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page