top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga batang hindi makapag-aral, tinuturuan ng sekyu habang naka-duty; patunay na may pag-asa ang baya

  • Ryan B. Sison
  • Jun 6, 2020
  • 2 min read

Boses ni Ryan B. Sison

Ang mga security guard ang kadalasang responsable sa seguridad at kaligtasan ng establisimiyentong kanilang pinagtatrabahuhan.

Suot ang uniporme at bitbit ang armas, araw-araw silang humaharap at nagpoprotekta sa publiko.

Gayunman, hindi lang basta pagbabantay sa seguridad ng establisimyento ang ginagampanan ng viral na sekyu sa social media.

Ito ay dahil nagsilbi siyang guro ng mga batang kalye na hindi marunong bumasa at sumulat.

Ayon kay Renz Abelita, viral na sekyu, wala siyang ginagawa at walang kostumer ng mga panahong ‘yun. Nang tanungin niya ang pangalan ng mga bata ay agad naman silang nakasagot, pero nang pagsulatin ay hindi umano marunong ang mga ito, kaya sinumulan niyang ituro ang mga basic.

Matapos matutunang isulat ang pangalan, sunod niyang itinuro na pagbasa at pagsulat. Dagdag pa ni Abelita, nagsimula siyang magturo sa isang bata, ngunit ngayon ay kasama na nito ang kanyang mga pinsan na kapwa nakatira malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Aniya, inihahanda niya ang lesson plan sa gabi at nagbibigay din ng exam sa mga bata at araw-araw, nakikita niya ang improvement ng mga ito. Naikuwento umano ng mga bata na pinatigil sila sa pag-aaral dahil sa kawalan ng pera ng kanilang mga magulang.

Ayon sa ama ng isang bata, wala siyang oras para turuan ang kanyang anak dahil mas kailangan niyang tutukan ang paghahanapbuhay para makaraos sa araw-araw. Labis naman ang pasasalamat nito sa sekyu.

Ang mga ganitong eksena ang patunay na may pag-asa. Hindi kailangang maging mayaman at magkaroon ng posisyon sa gobyerno para makatulong sa nangangailangan.

Tipong wala silang inaasahang kapalit basta makapagbigay-kaalaman sa walang kakayahang mag-aral kahit lagpas pa ito sa linya ng kanilang trabaho.

Kung tutuusin, simpleng bagay ito, pero kahanga-hanga ang pagsisikap ng sekyu para makapagturo sa mga bata kahit nagtatrabaho.

‘Ika nga, maraming paraan para makapaghatid ng kaalaman at ang mga kalaamang ito ay tiyak na mapakikinabangan nila pagdating ng panahon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page