top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mass testing at contact tracing sa COVID-19, iprayoridad kaysa sa Anti-Terror Bill, period!

  • Pabs Hernandez III
  • Jun 6, 2020
  • 2 min read

HIRIT NI MOCHA USON, TERORISTA UMANO ANG MGA TUTOL SA “ANTI-TERROR” BILL—Mayoryang Pinoy ang tutol sa “Anti-Terror” Bill na ipina-urgent ni P-Duterte sa Kongreso dahil posibleng akusahang terorista ang mga babatikos sa gobyerno.

Kaugnay nito, habang nagsasagawa ng protesta ang iba’t ibang sektor ay nag-retweet sa isang post sa social media si OWWA Deputy Adm. Mocha Uson na may caption na, “Hahahahaha galit na galit na mga terorista nagtipon tipon na sila” kung saan malinaw na ang pinatutungkulan nito ay ang mga nagra-rally.

‘Yan ang nakakabahala dahil sa pagiging “powerful” ni Mocha sa gobyerno, baka ang sinumang kainisan nito ay i-post sa social media na mga terorista na maging dahilan upang dakpin ito ng mga awtoridad, ‘kakatakot!

◘◘◘

SA MASS TESTING AT CONTACT TRACING, DAPAT MAG-POKUS ANG GOBYERNO, HINDI SA “ANTI-TERROR” BILL—Sa ngayon ay pang-38 na sa ranking ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamaraming nadale ng COVID-19.

Nakakabahala ‘yan lalo na’t imbes magsagawa ng mass testing at malawakang contact tracing ang gobyerno, eh, tila ang pokus ng mga ito ay ang pagsasabatas ng “Anti-Terror” Bill, buwisit!

◘◘◘

IMBES NA SOLUSYUNAN NG MMDA ANG PROBLEMA SA PUBLIC TRANSPORT, SI KIM CHIU ANG PINAG-AKSAYAHAN NILA NG PANAHON—Itinuloy ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang pagpapatawag kay Kim Chiu kaugnay sa nag-viral na pagsayaw nito sa labas ng kanyang kotse at ang kinalabasan ng imbestigasyon nila ay absuwelto ang aktres kasi sa parking lot lang ng isang restaurant nito isinayaw ang kanta niyang “Bawal Lumabas”, at fake news ang kumalat sa social media na sa EDSA ito sumayaw.

Ibang klase ang MMDA, imbes na hanapan nila ng solusyon ang problema sa public transport ng mamamayan, eh, ang sayaw ni Kim Chiu ang pinag-aksayahan ng panahon, mga pwe!

◘◘◘

PROMISE NI P-DUTERTE NA CASH ASSISTANCE SA MGA HEALTH WORKERS, BUKING NA HINDI PA NAIBIBIGAY—Nagalit si P-Duterte nang malamang hindi pa naibibigay ang promise niyang P1-M sa mga mamamatay at P300-K sa mga magkakasakit na health workers sa pagganap sa tungkulin sa paglaban sa COVID-19.

Nagalit? O baka naggalit-galitan lang kasi nabuking ng Senado na hindi pa naibibigay sa pamilya ng mga namatay at nagkasakit na health workers ang mga halagang ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page