Pugante pumalag, tepok sa shootout
Maguindanao—Napata yang isang pugante nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa bayan ng Pendatun.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Tonton Mohammad, residente ng Bgy. Midpandacan.
Nabatid na dalawang kasamahang pugante din ni Mohammad na sina Victor Sabar at Nano Solaiman ang nadakip ng pulisya sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, ang tatlong suspek na pawang may kasong may kinalaman sa ilegal na droga ay mga pugante sa Cotabato District Jail at nang malaman ng pulisya ang kanilang pinagtataguan ay agad rumesponde ang mga ito, pero pinagbabaril sila ni Mohammad.
Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay si Mohammad at sumuko sina Sabar at Solaiman.





Comments