top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga kongresista, tiklop nang humarap sina Cordoba at SolGen Calida sa Kongreso!

  • Pabs Hernandez III
  • Jun 3, 2020
  • 2 min read

MGA KONG., TIKLOP KINA CORDOBA AT SOLGEN CALIDA—Umuusok sa galit noon ang mga kongresista dahil binastos daw sila ng National Telecommunications Commission (NTC) at Solicitor General (SolGen) nang magsabwatang ipinasara ang ABS-CBN nang wala man lang abiso sa Kongreso at dahil d’yan ay nagbanta ang mga mambabatas na ipapa-contempt sina NTC Comm. Gamaliel Cordoba at SolGen Jose Calida.

Ito na ang siste, nang humarap sa Kongreso sina Cordoba at Calida ay biglang-tiklop ang mga kongresista at nag-advance “Happy Birthday” pa sa Solgen, boom!

◘◘◘

MASS TESTING ANG GAWING URGENT, HINDI ANG “ANTI-TERRORISM” BILL—Sinertipikahan ni P-Duterte bilang urgent ang “Anti-Terrorism” Bill, na tinututulan naman ng iba’t ibang sektor dahil kabilang sa nakapaloob sa batas ay “warrantless arrest”, pag-alis ng parusa sa mga awtoridad na nagtatanim ng ebidensiya at ituring na terorista ang mga aktibista at ordinaryong mamamayan na pumupuna sa mga maling polisiya ng gobyerno.

Hay naku, imbes na COVID-19 mass testing ang gawing urgent, eh, tila prayoridad pa ngayon ang batas na lalabag sa karapatan ng mamamayan na punahin ang gobyerno, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

NETIZENS NA MAGPO-POST NG LABAN KAY P-DUTERTE, BAKA AKUSAHANG TERORISTA—Last month ay nagsagawa ng “warrantless arrest” ang mga awtoridad sa isang guro, construction worker at salesman — na sinampahan ng kasong grave threat, sedition at cyber libel — dahil nag-post sila sa social media laban kay P-Duterte.

Ang pag-aresto sa mga netizens ay sampol lang dahil kapag batas na ang “Anti-Terrorism” Bill at nag-post ulit sila laban sa Pangulo, malamang ay akusahan na silang mga terorista, period!

◘◘◘

MGA MIYEMBRO NG GABINETE NI P-DUTERTE, PARANG MGA LASING KAUSAP—Nang hilingin ng mga riders sa gobyerno na payagan silang iangkas sa motorsiklo kanilang misis, eh, ang tugon ni DILG Sec. Eduardo Año ay lagyan ng sidecar ang motorsiklo kung nais ng mga rider na isama kanilang misis.

At nang tanungin naman noon ni CNN anchor Pinky Webb si DTI Sec. Ramon Lopez kung ano ang maitutulong ng gobyerno sa mga negosyante na namamahalan sa private shuttle, ang tugon ng DTI secretary ay mag-rent na lang ng apartment para sa kanilang mga manggagawa.

‘Yan ang mga miyembro ng Gabinete ni P-Duterte, parang mga lasing kausap, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page