top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lolo, tinadtad ng bala sa kubo

BRT​
Jun 3, 2020
1 min read

Aklan—Isang lolo ang tinadtad ng bala at napatay nang barilin ng armadong salarin sa loob ng tinutulugan nitong kubo kamakalawa sa Bgy. Cortes, Balete.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Geronimo Perez, 62-anyos, samantalang ang suspek ay si Edilberto Ruyo, 59-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, natutulog umano si Perez sa kubo ng kanyang anak nang pumasok ang suspek at agad itong pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Kaagad rumesponde ang pulisya kaya nadakip ang suspek at nakumpiska dito ang .45 pistola na ginamit sa krimen.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page