top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Napagkamalang kawatan, kinatay ng lolo

BRT​
Jun 2, 2020
1 min read

Iloilo—Isang binata na napagkamalang magnanakaw ang pinagtataga hanggang sa mapatay ng 62-anyos na lolo kamakalawa sa Bgy. Bulak Sur, Batad.

Kinilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Dione Dellomes, 23-anyos, samantalang ang suspek ay si Recanor Valdevieno, kapwa residente sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nang makita ni Valdevieno si Dellomes na nasa kanyang bukirin ay agad nitong pinagtataga ang biktima.

Nabatid na kaagad namang rumesponde ang pulisya kaya nadakip ang suspek.

Sa imbestigasyon ay napag-alaman na wala namang ninakaw ang biktima sa bukid ni Valdevieno at dahil dito, sinampahan ng kasong murder ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page