Hindi dapat binibeybi ng gobyerno sina Mocha, Sen. Koko at Gen. Sinas
- Pabs Hernandez III
- Jun 2, 2020
- 2 min read
DAPAT IPA-QUO WARRANTO NI SOLGEN. CALIDA ANG SARILI NIYA SA SC—Sa pagdinig sa Kongreso kaugnay sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni SolGen Jose Calida na ang ginawa niyang pagpa-file ng Quo Waranto sa SC (Supreme Court) para tuluyang matanggalan ng prangkisa ang Kapamilya Network ay tama at naayos sa batas.
Kung ganu’n, dapat mag-file din si Calida ng Quo Waranto sa SC na masipa siya sa puwesto kasi hindi naayon sa batas na bilang high ranking official ng gobyerno ay kinopo ng security agency na pag-aari ng kanyang pamilya ang security contract sa ilang ahensiya ng pamahalaan, boom!
◘◘◘
MAY PA-“FRESH-FRESH” PANG NALALAMAN ANG DOH, EH, PANGATLO NA ANG ‘PINAS SA MAY PINAKAMARAMING KASO NG COVID-19 SA ASYA—Sa bagong sistema ng Department of Health (DOH) ay “fresh” at “late” na ang ginagawa nito sa bilang o numero ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Hay naku, may pa-“fresh-fresh” pang nalalaman ang DOH, eh, sa latest data ng Worldometer Info Statistics, pangatlo na ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamaraming tinamaan ng virus, buwisit!
◘◘◘
GOBYERNO ANG DAPAT SISIHIN, HINDI ANG MGA PASAWAY—Ayon sa mga DDS, hindi raw ang gobyernong Duterte ang dapat sisihin sa paglaganap ng virus sa bansa, kundi ang mga pasaway na Pinoy na lumalabas ng bahay kahit sinabing mag-“stay at home” muna.
Ganu’n? Para sa kaalaman ng mga DDS, hindi puwedeng sisihin ang mga Pinoy kasi wala naman sa kanila ang bilyones na pondo na pang-mass testing, kundi nasa gobyerno.
Natural lang na ang pamahalaan ang sisihin ng publiko sa pagiging “nganga” nito sa mass testing, isa sa mga paraan upang malabanan o makontrol ang COVID-19, boom!
◘◘◘
‘PAG ORDINARYONG MAMAMAYAN ANG LUMABAG SA BATAS, KULONG AGAD PERO KAPAG GOV’T. OFFICIALS, NAKAKALUSOT—Nadismaya ang grupo ng mga negosyante sa double standard na ipinaiiral ng gobyerno sa mga lumalabag sa “Bayanihan to Heal as One Act” dahil libu-libong ordinaryong mamamayan na ang hinuli, kinasuhan at ikinulong.
Pero walang aksiyon o tila binibeybi lang mga opisyal ng pamahalaan tulad ni Sen. Koko Pimentel na nilabag ang health protocols nang gumala kung saan-saan kahit pa suspected patient sa COVID-19, gayundin si OWWA Deputy Adm. Mocha Uson na nanguna kaya nagkaroon ng mass gathering sa mga OFWs na kina-quarantine sa isang resort sa Batangas at ang latest na kontrobersiyal na birthday party ni NCRPO Director, Gen. Debold Sinas, period!





Comments