WHO at UN, parehong inutil sa panahon ng pandaigdigang krisis, buwagi na!
- Ka Ambo
- Jun 1, 2020
- 2 min read
Marami ang nadismaya nang magkadoble-doble ang bill na natanggap mula sa Meralco.
Ano ang pinagbatayan kung walang ginawang meter reading?
◘◘◘
IMBES na bumaba at makatulong sa mga konsumer, lumitaw na nagpatong pa kaya nanggalaiti ang mga konsumer.
Dapat itong maipaliwanag nang malinaw!
◘◘◘
KAILANGAN pa bang pumagitna palagi ang ERC para sa ganitong klase ng isyu?
Dapat nagkukusa ang malalaking korporasyon na sumaklolo sa publiko imbes na manamantala.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
BALIK na sa normal ang lahat.
‘Yung protocol, mahirap nang maipatupad!
◘◘◘
NAHIMASMASAN na ang lahat — hindi grabe ang COVID-19.
Pinagagrabe lang ito ng WHO na lihis ang impormasyong ikinalat sa buong daigdig!
◘◘◘
NAIS ng U.S. na managot ang China at World Health Organization.
Inalis na ng U.S. ang pondo para sa WHO!
◘◘◘
NAKIKIPAGKUTSABA ang WHO sa China upang takutin ang buong daigdig.
At dahil d’yan, nag-panic ang buong daigdig at nawasak ang takbo ng ekonomiya!
◘◘◘
NAPATUNAYAN mismo sa datos na inilalabas na “may gamot kontra COVID-19”—dahil naglalagay sila mismo ng “number of recoveries”.
Kumbaga sa isda: “Sa mismong datos, sila nabibisto”!
◘◘◘
NAGDUDUDA na ang buong daigdig sa existence ng WHO.
Sa tingin natin, dapat na ring buwagin ang United Nations.
Walang nagawa ang UN na magkaroon ng worldwide lockdown.
Inutil pareho ang WHO at UN sa panahon ng worldwide crisis!
◘◘◘
NASAAN ang UN na ikalat ang “negatibong propaganda kaugnay ng COVID-19”?
Ang negatibong propaganda ang nagtulak kung bakit nagkaletse-letse ang buong populasyon ng daigdig!
◘◘◘
ANG pinakamalaking biktima ay ang US at Italy.
Lumabas ngayon na hindi aktuwal na biktima ang China—bagkus ay siya ang itinuturing na salarin.
‘Yan ang isyu na dapat linawin ng US at mga kaalyado nito.
Paano nila parurusahan ang China?
Sa isang panibagong giyera na magbubunsod muli ng isa pang world crisis?





Comments