top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa ‘Pinas lang may ECQ, MECQ, MGCQ at GCQ pero “nganga” pa rin, pwe!

  • Pabs Hernandez III
  • Jun 1, 2020
  • 1 min read

GOBYERNO, AYAW NA MAGBIGAY NG AYUDA KAYA NAG-GCQ NA—Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, simula ngayong Hunyo 2020 ay wala nang ibibigay na ayuda ang gobyerno sa taumbayan.

Kung ganu’n, kaya pala nag-GCQ o hinahayaan na ng gobyerno na magbukas ang ilang piling kumpanya, magbalik-trabaho ang 50% ng mga empleyado at puwede nang mamasada ang ilang public transport ay hindi dahil safe na sa COVID-19 ang mga lalabas, kundi ayaw nang magbigay ng ayuda ang pamahalaan sa taumbayan, buwisit!

◘◘◘

DOTr, AMINADONG “NGANGA” SILA SA PAGLUTAS NG PROBLEMA, HAYS!—Inamin ni DOTr Sec. Arthur Tugade na malaking problema ang kakaharapin ng mga manggagawang magbabalik-trabaho dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.

Ibang klase talaga gobyerno, aminado silang “nganga” na solusyunan ang problemang kahaharapin ng publiko sa idineklara nilang GCQ, pero hindi naman kumikilos, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

ONLI IN DA PILIPINS ANG ECQ, MECQ, MGCQ AT GCQ PERO WA’ ‘WENTA NAMAN—Sa ibang bansa ay lockdown o quarantine lang ang isa sa mga sistemang ipinanlaban sa virus, pero sa Pilipinas, may nalalaman pang enhanced community quarantine (ECQ), modified enhanced community quarantine (MECQ), modified general community quarantine (MGCQ) at GCQ.

Onli in ‘Pinas lang ‘yan, ang damig “ek-ek” ng gobyerno pero wa’ ‘wenta naman, pwe!

◘◘◘

BALATUHAN SANA NG GAMIT-ESKWELA ANG MAHIHIIRAP NA ESTUDYANTE—Napakasuwerte ng mga supplier at kontratista ng Dept. of Education (DepEd) dahil titiba sila sa kita matapos aprubahan ni P-Duterte ang opening ng klase sa Agosto sa ilalim ng sistemang blending learning.

Sa laki ng kikitain nila, sana ay magbigay sila ng balato sa mga mahihirap na estudyante para pambili ng gamit eskuwela, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page