Kaligtasan ng mga manggagawa na magbabalik-trabaho, iprayoridad
- Editoryal
- Jun 1, 2020
- 1 min read
Balik-trabaho na ang marami sa ating mga kababayan. Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila kung saan pinayagan nang makapagbukas ang ilang negosyo at industriya.
Kaugnay nito, hinikayat ng Malacañang ang mga employers na magpatupad ng 50/50 scheme sa pagbabalik ng trabaho ngayong Hunyo 1.
Ibig sabihin, hindi pagsasabay-sabayin ang pasok ng mga empleyado kung saan 50% ay papasok sa opisina habang 50% naman ang magwo-work-from-home o magtatrabaho sa bahay.
Maaari umanong magpatupad ng rotating schedule sa mga empleyado sapagkat limitado pa ang mga pampublikong sasakyan.
Kung papapasukin ang lahat ng mga empleyado, imposibleng magkaroon ng social distancing.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, sinisikap ng lahat na ipagpatuloy ang buhay.
Tunay na malaking hamon ang muling pagsabak sa trabaho ng mga manggagawa para lamang kumita ngunit, huwag sana nating kalimutan na kaligtasan pa rin ang dapat iprayoridad.





Comments