Finance Sec. Sonny Dominguez, masyadong nega sa mga magsasaka, hindi na lang tumulong, ‘kalokah!
- Imee R. Marcos
- Jun 1, 2020
- 2 min read
Obvious na obvious na may senior moments na si Finance Secretary Sonny Dominguez, eh, kasi ipinipilit niyang kailanman ay hindi raw nakapag-export o nakapag-supply ng bigas ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito sa Asya noong ‘70s. ‘Kalokah!
Nakalimutan na yata ng ating kalihim na naging self-sufficient ang ‘Pinas sa rice production at nag-export ng 89,000 metric tons ng bigas noong ‘77 hanggang ‘78 sa ilalim ng Masagana ‘99 program.
‘Wawa naman si Lolo Sonny, nag-uulyanin na yata? Ewan ko ba ang linaw naman ng data, eh, nagtataka tuloy ako kung bakit ayaw niyang tanggapin ang katotohanang nakapag-export tayo ng bigas dahil sa sipag na rin ng ating mga magsasaka!
Pero ang nakaka-worry ay puro paninisi ang ginagawa ni Lolo Sonny sa mga magsasaka, na kesyo nang ipatupad ang Masagana ‘99 ay hindi naman daw nakabayad ng utang ang mga ito sa gobyerno. Ang tanong lang naman, noon bang siya ang Agriculture Secretary, may naitulong ba siya sa ating mga magsasaka?
Hindi ko talaga lubos na maisip, kung nagkukunwari lang siyang ulyanin o sinasadyang maging makakalimutin, ano ba talaga Mr. Secretary? Eh, isantabi mo muna ang iyong galit at isipin ang kalagayan ng mga magsasaka lalo na ngayong humaharap tayo sa krisis. Atupagin muna niya kung paano mabibigyang-ayuda ang mga naghihirap nating mga magsasaka.
Eh, kung si Pangulong Rodrigo Duterte nga ay binuhay ang konsepto ng Masagana ‘99 noong 2017 na tinawag na Masagang Ani, bakit siya kontra nang kontra?
Sana lang ay suportahan ni Lolo Sonny ang Masaganang Ani 200 hindi pa para sa kung anong alaala ng nakaraan, kundi sa kung paano natin mabibigyan ng tulong ang ating mga nahihikahos na magsasaka.





Comments