top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ni P-Duterte na umutang muna sa bangko ang mga magulang na namumroblema sa tuition fee, pabida

  • Pabs Hernandez III
  • May 31, 2020
  • 2 min read

ANTI-TERRORISM BILL, IBASURA!—Hindi dapat suportahan ng publiko ang isinusulong na Anti-Terrorism Bill sa Kongreso. Isa sa mga batas na nakapaloob dito ay puwede nang magsagawa ng “warrantless arrest” ang mga awtoridad sa mga babatikos sa gobyerno at akusahan itong terorista.

Bad naman talaga ang mga terorismo, pero maling akusahang terorista ang sinumang pupuna at babatikos sa mga baluktot na polisiya ng gobyerno.

Kapag naisabatas ‘yan, naku, ‘wag magkakamali si Coco Martin na dumakdak laban sa gobyerno kasi puwede na siyang dakpin at akusahang terorista, boom!

◘◘◘

TUITION FEE SA MGA PRIVATE SCHOOLS, DAPAT SAGUTIN MUNA NG GOBYERNO—Ang laki ng problema ngayon ng mga magulang na may mga anak na nag-aaral sa mga private school dahil bukod sa nawalan na sila ng trabaho ay nabaon pa sila sa utang dulot ng krisis.

Ngayon, hindi nila alam kung saan sila kukuha ng pang-tuition matapos aprubahan ni P-Duterte ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto 2020 sa pamamagitan ng blending learning.

Tutal, si P-Duterte ang naglaban-bawi nang sabihin nitong, “No vaccine, no classes,” sana ay sagutin muna ng gobyerno ang isang taon na pang-matrikula sa mga private schools para solve na problema, period!

◘◘◘

HIRIT NI P-DUTERTE NA UMUTANG MUNA SA BANGKO NG PANG-TUITION, PABIDA LANG—Ang sinabi ni P-Duterte na puwedeng umutang sa bangko ang mga magulang na namumroblema sa pangmatrikula ng kanilang mga anak ay tila pabida lang sa publiko.

Sa totoo lang, wala namang bangko ang magpapautang nang walang kolateral. Kaya, ang mga walang pang-kolateral, malamang ay tablado ‘yan, boom!

◘◘◘

NUMERO NG MGA TINATAMAAN NG VIRUS, BAKA GAMITIN SA JUETENG—Hindi bumaba ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19 sa bansa at sa halip ay patuloy pang tumataas.

Naku, kapag ganyan na tila hindi na matitigil ang Department of Health (DOH) sa paglabas ng mga numero ng mga nagkaka-virus sa bansa, baka gamitin ng mga gambling lords ang mga numerong ‘yan para gawing batayan sa mga numerong tatama sa jueteng, joke-joke-joke!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page