Tips para maging responsable ang bata sa pera
- Nympha
- May 31, 2020
- 2 min read

Sa rami ngayon ng panahon at oras ng mga magulang para sa kanilang mga paslit na anak, dagdag pa na baka mismong magulang na ang gagabay sa mga aralin ng anak kapag naipatupad ang online system sa pag-aaral ay isama na ang pagtuturo sa pinansiyal na responsibilidad na magbibigay sa kanila ng kailangan nilang gabay habang lumalaki at maging responsableng tao pagdating sa pera.
Ayon sa pag-aaral, ang mga taong natututo ng pinansiyal na responsibilidad sa murang edad pa lang ay hindi nangungutang at mas maraming naiipong pera pagsapit nila sa tamang edad.
1. ITURO SA BATA ANG TUNGKOL SA PERA. Ipaliwanag ang iba’t ibang klase ng bills na inyong binabayaran at ang halaga ng payment due dates. Ituro rin sa bata ang tamang pagkumpara sa presyo ng items para makahanap ng mas murang bilihin.
2. IPAKITA SA BATA KUNG PAANO MAG-BUDGET. Ang mahusay na pagba-budget ay kakayahan na dapat matutunan. Hayaan siyang makatulong sa ‘yo sa paggawa ng budget ayon sa kanyang allowance. Ipakita ang pera na mayroon siya, kung saan niya ito gagastusin at kung paano niya ito iipunin.
3. ISAMA SA PAMIMILI SA PALENGKE AT GROCERY. Ipaliwanag sa kanya kung magkano ang iyong badyet para sa grocery at pamamalengke at pag-usapan kung ano ang mahalagang dapat bilhin. Ipakita sa kanya kung paano ikukumpara ang presyo sa mas makamumura. Ito ay para maranasan niya kung paano mag-budget nang tama.
4. MAG-OPEN NG SAVINGS ACCOUNT MULA SA PERA NG BATA. Bigyan ito ng oras at turuan kung paano palaging dagdagan ang savings. Ipaliwanag ang interes sa account at kung paano ito lumalago.
5. ITURO ANG PANGANIB NG SOBRANG PAMIMILI. Sabihin sa bata na iwasan ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan at walang kuwenta. Bigyan ng kaibahan ang mga item na kailangan mula sa bagay na gusto lamang. Tiyakin na mauunawaan ng bata ang paliwanag kapag mahal ang isang bagay. Mainam na malaman niyang pinag-iipunan muna ang isang bagay na gusto niyang bilhin, para maiwasan ang pangungutang at paggamit ng credit card sa kanyang pagtanda. Dapat ay mabili lang ang isang produkto sa tamang paraan at tunay na kailangan at magagamit.
6. BAYARAN ANG BATA SA MAHUSAY NA GAWAING-BAHAY, MAGING SA LOOB NG BAKURAN. Makatutulong ito sa bata para makasanayan na niya ang pag-iipon ng sariling pera. Natutulungan din siyang mapahalagahan ang pinaghirapang pera mula sa pagtatrabaho. Tiyakin na makukumpleto ng bata ang kanyang mga gawain at natutupad nang maayos ang itinalaga sa kanya.








Comments