Na-repatriate na overseas Filipinos, higit 31,000 na — DFA
- BRT
- May 30, 2020
- 1 min read

Umabot na sa 31,352 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Pinoy na apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa kagawaran, sa nasabing bilang, 20,633 o 65.8 porsiyento ang sea-based habang 10,719 o 34.2 porsiyento ang land-based.
Kabilang sa datos ang pagdating ng mga overseas Filipino worker (OFWs) mula sa United Arab Emirates (UAE).
Kaugnay nito, patuloy umano ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.





Comments