Liquor ban sa Antipolo, inalis na
- BRT
- May 30, 2020
- 1 min read

Binawi na ang pagpapatupad ng liquor ban sa Antipolo City.
Ayon sa Antipolo City government, maaari nang magbenta at uminom ng nakalalasing na inumin sa lungsod simula sa Hunyo 1.
Gayunman, paalala ng Antipolo City LGU, tanging ang quarantine pass holders lamang ang puwedeng bumili.
Hindi pa rin papagayan ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.
Sinumang lumabag ay mapapatawan ng karampatang parusa.





Comments