Kilos-protesta kasunod ng pagkamatay ni George Floyd, tuloy... White House, isinailalim sa lockdown
- BRT
- May 30, 2020
- 1 min read

Pansamantalang isinailalim sa lockdown ang White House nang magkilos-protesta rin ang ilang residente bilang bahagi ng pagkagalit sa pagkamatay ng isang African-American na si George Floyd sa kamay ng mga pulis sa Minneapolis.
Daan-daang ralista ang nagmartsa sa kalsada sa harapan ng White House.
Kung saan, mahigit isang dosenang mga reporters naman ang agad na inilikas patungo sa isang
bahagi ng White House. Habang isang nagpoprotesta naman ang kinustodiya ng Secret Service.
Ang naganap na protesta sa Washington ay matapos na kumalat ang mga pagkilos mula sa Minneapolis at iba pang mga estado.
Sa estado ng Atlanta, inatake ng mga nagpoprotesta ang main office ng media giant na CNN —pinagbabasag ang mga salamin habang ang iba ay gumamit ng mga bato at smoke grenades sa
lobby ng tanggapan.
May mga insidente din na ilang sasakyan ng mga pulis ang sinunog.
Kaugnay nito, nagpakawala ng tear gas at BB rounds ang mga riot police.
Ang kilos-protesta ay nangyayari sa kabila ng COVID-19 pandemic kung saan matinding tinamaan ng deadly virus ang Estados Unidos.





Comments