top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Break na kuno, 'di nakatiis, buking... NADINE, NAGPUNTA SA CONDO NI JAMES

  • Nitz Miralles
  • May 30, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Nakakatuwang basahin ang mga comments ng mga fans sa lumabas na photo nina James Reid at Nadine Lustre na obviously ay magkasama sa bahay dahil pareho ang background ng mga litrato nila, kahit wala silang inilabas na litrato na magkasama.

Pinagdebatehan ng mga fans kung sa bahay ba ni James o sa condo ni Nadine sila nagkita at majority ang nagsabi na kuha ang mga litrato ng dalawa sa condo ni Nadine. Ibig sabihin, si James ang pumunta sa condo ng aktres.

Pero sa comment ng mga friends ni James kung saan ipinost ng aktor ang part ng bahay na may red sofa, bahay daw ‘yun ng una, binago lang ang ayos.

Kung totoo ito, si Nadine ang pumunta sa bahay nina James na dati rin naman niyang tinirahan.

Ang sabi, tinatapos nina James at Nadine ang album ng aktres na iri-release ng record label ni James na Careless Music Manila at kung saan pumirma ng kontrata si Nadine.

May mga nagsabi namang kaya may mga sightings uli sa dalawa ay dahil nagkabalikan na sila na kinontra ng ibang fans dahil hindi naman daw nag-break ang JaDine at para lang sa kanilang career ang kunwaring breakup nila.

Bago lumabas ang solo photo nina James at Nadine with the same background, nakita ang dalawa at nakunan ng litrato na magkasama sa isa sa tent location ng International Sanitization and Protection Supplies (ISPS) noong May 4. Nakaakbay si James kay Nadine sa litrato nilang dalawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page